DUMALO ang lahat ng mga guro, administrators, at mga staff ng Divine Grace School sa Thanksgiving Mass na ginanap sa covered court nitong Sabado, Oktubre 18.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Simone Piccolo, Sx ang Misa na kung saan nabanggit niya ang sakripisyo ng mga guro.
"Teaching is a difficult commitment," wika ni Fr. Piccolo.
Bago matapos ang seremonya, sila ay tumanggap ng komunyon bilang tanda ng pagkakaisa at pasasalamat—tinapos ang Misa sa pamamagitan ng isang panalangin.


