Sa Likod Ng X, Y at Mga Nakakaduling na Numero
KOLUM | ✍️ MAWIN VILLANUEVA/AP
 
SA tuwing naririnig ko ang salitang "Math" ay bigla na lang akong mawawalan ng gana dahil puro ito numero at pormula na kailangan pag-aralan at makabisado.
 
Pero ang pagsali pala sa kompetisyon na puno ng simbolo na kailangang bigyang solusyon ay tunay na isang magandang karanasan bilang mag-aaral.
 
Nitong Oktubre 18, Sabado, ay lumahok ang aking mga kamag-aral sa Math Olympiad: SHS at JHS Students ng Divine Grace School.
 
Sa pagtitimon ni Math wizard at tagasanay ng grupo na si Rodrigo Bersabe, tiyak na malaki ang tsansa ng mga Grasyano na magtagumpay.
 
Nakakakaba dahil naganap ang patimpalak sa University of the Philippines, maraming bagong mukha at mayroon ring mga matagal nang lumalahok.
 
Sa kabila ng kaba’t takot isa lang ang tinatandaan ng mga Grasyano, manalo man o matalo, sa aming paaralan kami ay palaging panalo.