IDINAOS ang pagbibigay ng gantimpala para sa serbisyo ng mga empleyado sa covered court ng Divine Grace School nitong Sabado, Oktubre 18.
Inumpisahan ang programa ng panalangin at pagkanta ng Pambansang Awit at sinundan ng opening remarks ni school directress Estela Canalita.
Pinasalamatan niya ang mga staff, administrator, at guro ng paaralan sa kanilang pagiging tapat sa serbisyo.
Sinundan naman ito ng pagpapakilala ng mga gagantimpalaan na sina Jonavie Santos, Marylen Perez, Dina Solis, Vhernon Vallester, Jerich Lumabao, at Marcelo Cerezo.
Nagbigay sila ng kani-kaniyang mga taos pusong talumpati tungkol sa kanilang mga karanasan bilang empleyado ng DGS.
Ayon sa isa sa kanila, hindi lang isang paaralan ang DGS, kundi isa rin itong pangalawang tahanan na kung saan pamilya ang turing nila sa kanilang mga empleyado.

